^

Probinsiya

Empleyada kinatay ng magnanakaw

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Empleyada kinatay ng magnanakaw
Natagpuang patay na nakatali ang mga kamay at paa ng packing tape ni Lindsay Valdez ng Urdaneta, Pangasinan.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 22-anyos na emplayada ng isang cellphone and gadget pawnshop makaraang looban at pagnakawan ng mga suspek ang pi­napasukan niyang es­tablis­yimento kama­kalawa ng hapon sa Ab­nao St., sa lungsod ng Baguio.

Natagpuang patay na nakatali ang mga kamay at paa ng packing tape ni Lindsay Valdez ng Urdaneta, Pangasinan.

Ayon sa report, nali­ligo sa sariling dugo da­hil sa nilaslas na la­la­munan si Valdez sa loob ng 202 Cellphone Pawnshop nang siyasatin ng SOCO ang lu­gar dakong ala-1:40 ng hapon.

Pinaniniwalaang pi­na­sok ng mga kawatan ang pawnshop sa ma­liit na entrada nito ha­bang naglilinis ang biktima bago magbukas ng alas-8:00 ng umaga.

Sinabi sa pulisya ng may-ari ng pawnshop na si Julio Parayno III na nagawang buksan ng mga salarin ang ka­ni­lang cash vault at tina­ngay ang laman nitong cash na nagkaka­halaga ng P87,434.

vuukle comment

KILLED BY BURGLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with