^

Probinsiya

Tserman at misis, 4 pa timbog sa drug ops

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tserman at misis, 4 pa timbog sa drug ops
Chairman Mario Valerio at Reynalin Valerio

MANILA, Philippines — Isang barangay chairman at kanyang misis at apat pang iba na sinasabing mga kilabot na tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwa­lay na drug operation sa Das­mariñas City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang mga dinakip na sina Barangay Salitran 1 Chairman Mario Valerio, 56-anyos at misis niyang si Reynalin Valerio, 39, matapos na masamsaman ng walong plastic sachet ng shabu na nasa pitong gramo at nagkakahalaga ng P47,000 makaraang salakayin ang kanilang bahay sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte dakong alas-9:00 ng gabi.

Samantala, dakong alas-5:30 ng hapon, sa Brgy. Datu Esma, timbog ang isang buong pamilya kabilang ang dalawang menor-de-edad sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis-Cavite.

Isang malaking plastic bag na naglalaman ng shabu ang nakuha mula sa mga suspek na sina Paks Bongcarao, 63-anyos, mga anak niyang sina Anisah, 19, itinago sa mga pangalang ‘Dagul’, 15 at ‘Gagil’ ,17-anyos pawang mga residente ng naturang barangay.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong pag­labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with