^

Probinsiya

Misis na napadaan lang, kinatay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis na napadaan lang, kinatay!
Nabanggit pa ng biktimang si Emilda Barro sa mga rumespondeng pulis bago mamatay habang ginagamot sa Pandan District Hospital ang pangalan ng suspek na si Lucio Zapanta, 50- anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Killer nasambit bago mamatay

LEGAZPI CITY, Albay – Kalunos-lu­nos na kamatayan ang sinapit ng isang 48-anyos na misis matapos na pagtatagain ng kanyang ka-barangay na lalaki  na nag-aabang sa unang mapapadaan sa kanyang lugar sa Brgy. San Andres sa bayan ng Pandan, Catanduanes noong Linggo ng umaga.

Nabanggit pa ng biktimang si Emilda Barro sa mga rumespondeng pulis bago mamatay habang ginagamot sa Pandan District Hospital ang pangalan ng suspek na si Lucio Zapanta, 50- anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, naikuwento mismo ng biktima bago siya nalagutan ng hininga sa ospital ang buong insidente nang pananaga sa kanya ng suspek.

Ayon sa ginang, da­­kong alas-6:30 ng umaga, habang siya ay nag­la­lakad lamang sa nasabing lugar nang big­la siyang harangin sa kan­yang daraanan ng sus­pek na may dalang itak. Hindi na nakaiwas pa ang biktima nang lapitan ng suspek.

Gayunman, humi­ngi muna umano ng pa­uman­hin ang suspek sa biktima sa salitang “Pasensya na manay, ikaw ang unang dumaan” bago siya pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa tulong ng mga opisyal at mga residente ng barangay agad kumilos ang mga pulis at naaresto ang nasorpresang si Zapanta.

Pinaniniwalaan na may mga napatay na rin ang suspek sa tuwing mag-aabang ng kanyang mabibiktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with