^

Probinsiya

24 sakote, P.3-M shabu samsam sa buy-bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
24 sakote, P.3-M shabu  samsam sa buy-bust
Kinasuhan din ang mga drug user na sina Alvin Dapyawen, 25; Rafael Pinpin, 32; Roderick Dela Torre, 26; Edgardo Joson, 37, ng Brgy. Graceville; Silvester Enriquez, 32; Joni Curet, 53, at Josielyn Lopez, 35, ng Brgy. San Rafael III.

BULACAN  , Philippines  —  Nadakip ang 17 katao na hinihinalang mga tulak at pitong pang sugapa sa shabu matapos na ilun­sad ng pulisya ang dalawang araw na drug bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng San Jose Del Monte City noong Huwebes at Biyernes at nakarekober ng halagang mahigit na P.3-milyong shabu.

Kaagad na sinampahan ng mga kaukulang kaso ang mga naarestong tulak na sina Gloria Paton-og, 59; Jevinal Secretaryo, 45; Ramon Francisco, 51; Florante Dela Vega, 38; mga residente ng Brgy. Graceville; Eleazar Seludo, 66, ng Brgy. Fatima 1; Jason Quirit, 31 at Rosa­lyn Lim, 32, ng Brgy. Minuyan 1; Michael Dela Cruz, 37, ng Brgy. San Rafael I; Ansawi Amod, 26 at Nafefe Sutla, 26, ng Brgy. Gaya-Gaya, Asmali Molituba, 30 at Alex Acmad, 46 ng Brgy. Santa Cruz, Erwin Simon, 39, ng Brgy. San Rafael IV, Edgardo Canlas, 46, at Mary Grace Mon, 36 ng Brgy. Sto Cristo, Edgar Dominguez, 24 ng Brgy. Muzon at Mina Gracia Libued, 40 ng Brgy.San Rafael III.

Kinasuhan din ang mga drug user na sina Alvin Dapyawen, 25; Rafael Pinpin, 32; Roderick Dela Torre, 26; Edgardo Joson, 37, ng Brgy. Graceville; Silvester Enriquez, 32; Joni Curet, 53, at Josielyn Lopez, 35, ng Brgy. San Rafael III.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Fitz Macariola sa Kampo Hen. Alejo Santos, unang isinagawa ang operasyon dakong alas-10:30 ng gabi ng mga kagawad ng lokal na drug enforcement unit laban kay Michael Dela Cruz sa Brgy. San Rafael I at nang maibigay na nito ang isang sachet ng shabu sa poseur buyer na pulis ay dito na siya inaresto habang huli rin ang iba pang mga suspek sa iba’t ibang lugar.

Samantala, naaktuhan ang pitong katao habang nagpa-pot session sa dalawang bahay sa Brgy. Graceville at Brgy. San Rafel III na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with