^

Probinsiya

Sundalo dedo sa center island

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Sundalo dedo sa center island
Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Sgt. Rommel Molina, 37-anyos, may-asawa, residente ng Golden City Subd., Brgy. Salawag Dasmariñas City, at naka-assign sa Army Intelligence Regiment.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Philippine Army ang nasawi matapos na sumal­pok ang minamaneho niyang motorsiklo sa kon­kretong center island sa harap mismo ng Bacoor City Hall, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Sgt. Rommel Molina, 37-anyos, may-asawa, residente ng Golden City Subd., Brgy. Salawag Dasmariñas City, at naka-assign sa Army Intelligence Regiment.

Ayon sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Habang sakay ng kan­yang motor na may plakang NC34849 at mabilis na binabagtas ang kal­sada nang bigla siyang sumalpok sa center island.

Sa lakas ng pagkaka­salpok nito ay lumipad ito at tumilapon bago luma­gapak sa kalsada. Kahit na nakasuot ng helmet ang biktima ay napuruhan pa rin ito.

Naisugod pa sa pa­ga­mutan ang biktima ngu­nit hindi na ito umabot pang buhay.

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY DEAD IN ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with