^

Probinsiya

P73.4-M shabu nasamsam ng drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P73.4-M shabu nasamsam ng drug ops
Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, dakong alas–12:30 ng madaling araw nitong Miyerkules nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga operatiba sa isang plantasyon ng tubo sa Brgy. Talampas, San Carlos City ng lalawigan. Umaabot sa mahigit anim na mala­laking plastic na nag­lalaman ng shabu ang na­kumpiska sa lugar na nagkakahalaga ng P72 mil­yon.

MANILA, Philippines — Umaabot sa P73.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng pulisya, militar at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng San Carlos at Bacolod, Negros Occidental nitong Martes ng hapon at Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, dakong alas–12:30 ng madaling araw nitong Miyerkules nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga operatiba sa isang plantasyon ng tubo sa Brgy. Talampas, San Carlos City ng lalawigan. Umaabot sa mahigit anim na mala­laking plastic na nag­lalaman ng shabu ang na­kumpiska sa lugar na nagkakahalaga ng P72 mil­yon. Nakatakas naman ang mga suspek matapos na matunugan ang pagdating ng mga operatiba sa plantas­yon. Tinukoy nito ang mga target na bigtime drug traffickers  na sina alyas Putot, Armando Paraquelles at Josephine Paraquelles alyas Tipin.

Nabatid na isang PDEA agent ang naki­pagtransaksyon sa mga drug traffickers pero nagpulasan umano ng takbo nang mamataan ang presensya ng mga pulis at militar sa lugar.

Sa isa pang operas­yon, nasakote ang uma­no’y dalawang big time drug pushers na sina Faisalin Ubra at Norhan Caunda sa buy bust ope­ration sa Purok Ube, Brgy. 4, Bacolod City bandang alas-4:30 ng hapon nitong Martes. Sila ay nakumpiskahan ng ilang malalaking plastic sachet ng shabu na nasa sa P1.4 milyon ang halaga at mga drug paraphernalias.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with