^

Probinsiya

Totoy hulog sa bubong, durog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Totoy hulog sa bubong, durog
Nang tingnan sa likurang bahagi ng canteen ang nakakandadong pinto, nakita nito sa labas ang walang malay at basag ang ulong batang lalaki.

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —   Basag ang ulo at patay na nang matagpuan ang ‘di pa nakikilalang batang lalaki matapos na mahulog mula sa bubong ng school canteen na kanyang umano’y pinasok sa San Jose North Elementary School sa Brgy. San Jose sa Pili, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Tinatayang nasa edad na 12-15 anyos ang biktima at maliit ang pangangatawan. Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, nang mag-inspeksyon ang security guard ng paaralan na si Eric Murit, 40 anyos at pinasok ang school canteen ay nakitang nakakalat ang mga paninda sa loob nito. Nang tingnan sa likurang bahagi ng canteen ang nakakandadong pinto, nakita nito sa labas ang walang malay at basag ang ulong batang lalaki.

Agad na rumesponde ang ambulansya ng bayan kasama ang dalawang nurse pero nang pulsuhan ang bata sinabing patay na. Posibleng pinasok umano ng totoy ang kantina ng paaralan sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubong at binaklas ang kisame at saka rito rin lumabas pero aksidenteng nahulog at tumama ang ulo sa semento. Nakuha mula sa biktima ang isang backpack at ilang personal na gamit. Palaisipan kung ano ang ginawa nito sa loob dahil wala namang naiulat na nawala maliban sa nakakalat na mga paninda.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with