Indian pumalag sa holdap, todas
MANILA, Philippines — Patay ang isang Indian national matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga holdaper nang pumalag sa panghoholdap sa nangyaring insidente sa Brgy. Lupa, Sta Barbara, Iloilo nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktima sa alyas lamang nitong Sido, tinatayang 30-35 anyos, may negosyong 5-6 o pautang na may patong na interes.
Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi habang nasa bisinidad ng nasabing lugar ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong suspek na agad nagdeklara ng holdap. Nanlaban naman ang biktima bunsod upang mairita ang mga suspek at patayin ito matapos na pagbabarilin.
- Latest