Jail warden inambush: 3 escort utas
MANILA, Philippines — Tatlong escort ng isang outgoing warden ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasawi habang sugatan ang dalawa pa kabilang ang nasabing warden matapos silang tambangan at pagbabarilin ng ‘di kilalang kalalakihan sa Brgy. Cadac-an, Abuyog, Leyte.
Kinilala ang mga nasawi na sina CO3 Nelson Patagtag, CO3 Jelanie Almario, at CO1 Randy Pantano.
Ang mga sugatan naman ay sina Sr. Supt. Geraldo Aro at Corrections Office (CO) Uldarico Mortezo.
Sa ulat, patungo ang lima sa Tacloban City Airport lulan ng BuCor vehicle nang sila ay tambangan ng mga suspek na armado ng M16 rifles sa Cadac-an Bridge. Lulan umano ng closed van ang mga salarin na nag-overtake sa sasakyan ng mga biktima at saka sila pinagbabaril.
Nangyari ang ambush matapos ang turn-over ceremony kung saan pinalitan si Aro bilang warden ng Leyte Regional Penal Colony at lilipat sana sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
- Latest