^

Probinsiya

6-anyos ni-rape slay ng adik na kapitbahay

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
6-anyos ni-rape slay ng adik na kapitbahay
Base sa report, namatay sa ospital ang kindergarten pupil na nakilalang si Rhyza Lei Trinidad matapos na isugod ng kanyang kaanak dahil sa panghahalay at pananakal ng kapitbahay na si alyas Nico.
File Photo

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 6-anyos na batang babae matapos na gahasain at patayin sa sakal ng kanyang kapitbahay na may diperensya umano sa pag-iisip dahil sa pagkalulong sa droga sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Base sa report, namatay sa ospital ang kindergarten pupil na nakilalang si Rhyza Lei Trinidad matapos na isugod ng kanyang kaanak dahil sa panghahalay at pananakal ng kapitbahay na si alyas Nico.

Nabatid na naaktuhan pa ng kaanak ng biktima ang ginawang panghahalay ng suspek sa bata matapos na maabutang hubo’t hubad sa loob ng bahay ng suspek sa Barangay Langkaan Dos dakong alas-11 ng umaga nitong Lunes.

Habang naglalaro umano si Rhyza Lei nang bigla na lamang mawala na hinanap ng kanyang pamilya sa buong subdibisyon at pinasok din ang mga kabahayan kabilang na ang tinutuluyan ng suspek. Nang halughugin nila sa likuran at ilalim ng kama ng suspek ang bata, sinabi ng huli na wala umano doon ang bata kaya umalis ang lola at mister nito na naghanap sa na­wa­walang apo. Gayunman, kinutuban ang lolo ng bata hanggang sa bumalik uli siya sa bahay ng suspek at nang patayuin nito ang lalaki at haltakin ang kumot sa kama ay nakita umano ang hubad na bata at wala nang ulirat habang hubad din ang suspek.

Dahil dito, mabilis na isinugod ang bata sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival habang inaaresto ng mga pulis ang suspek.

vuukle comment

GIRL RAPED DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with