^

Probinsiya

Motor salpok sa barrier: 1 patay, coed malubha

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —   Patay ang isang 21-anyos na binata habang kritikal ang angkas nitong babaeng estud­yante makaraang sumalpok sa konkretong harang sa gilid ng kalsada ang sinasakyan nila habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy Bendita 2, Magallanes kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot ang driver ng motorsiklo na si Teodolfo Antazo, 21, binata, ng Brgy. Poblacion 4, Magallanes, Cavite, habang inoobserbahan sa pagamutan ang backrider  na si  Sheena Balogna, 19-anyos,  4th year BS Criminology student ng Brgy. Poblacion 5, Magallanes, Cavite.

Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw habang minamaneho ng  biktima ang  kulay itim na Honda Wave 100 motorcycle at angkas nito ang nasabing kolehiyala nang mawalan ng kontrol sa manibela dahilan upang gumewang-gewang. Dahil sa may kabilisan ang kanilang takbo, tuluyang sumalpok ang motorsiklo sa concrete at steel barrier sa kalsada at kapwa tumilapon. Agad silang naitakbo sa Nuestra Señora De Guia Hospital subalit idineklarang patay ang binata.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with