^

Probinsiya

‘Tulak’ na dayo, dedo sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� na dayo, dedo sa buy-bust

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —    Bulagta ang isang umano’y tulak ng droga na dumayo pa matapos makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang buy-bust laban sa kanya sa Purok 5, Brgy. Puro, sa lungsod noong Linggo ng gabi. Dead-on-the-spot dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Eduardo Apicial Garcia, residente ng Las Piñas City, Metro Manila. Sa ulat ng Legazpi City Police, dakong alas-9:45 ng gabi, nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch at Legazpi City Police sa pangunguna ni Sr. Insp. Karlo Dy laban sa suspek. Gayunman, nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon na si PO2 Raymundo Rodero kaya bumunot umano ng baril sa kanyang bag at pinutukan ang pulis pero hindi tinamaan.

Agad gumanti ng putok ang mga kasama ni PO2 Rodero na nakapaligid lang sa lugar na ikinabulagta ng suspek. Narekober mula sa napatay na suspek ang caliber 45 pistol, P15,000 at isang sachet ng shabu.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with