^

Probinsiya

Motor salpok sa bus: Backrider dedo, 3 malubha

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa bus: Backrider dedo, 3 malubha

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang 25-anyos na backrider ng motorsiklo habang kritikal sa ospital ang tatlong kasamahan nito makaraang mabangga at makaladkad sila ng bus sa kahabaan ng highway ng Brgy. Burabod, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isugod sa Sorsogon Provincial Hospital pero Idineklarang patay ang biktimang si Bryan Estadula Digol, ng Brgy. Bi­bincahan habang sugatan ang dri­ver ng motorsiklo na si Patrick James Avisado, 23, at ang kasamahang mga backriders na sina Bryan Dayto Detera, 24, at Kevin Deniega, 22, na pawang nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, magkasunod na binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Avisado at ng Elavil Bus (TYS-796) na minamaneho ni Aldin Navera, 37, ng Brgy. Libod, Camalig, Albay ang highway nang mabundol ng bus ang hulihang bahagi ng motorsiklo ng mga biktima. Bunga nito, nakaladkad pa ng bus ang mga biktima ng ilang metro sanhi ng agarang pagkasawi ni Digol.

Agad namang sumuko ang driver ng bus na sinampahan ng patong-patong na kaso.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with