^

Probinsiya

Mag-ama pinasok, niratrat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama pinasok, niratrat
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Danilo Abonin Sr., 54-anyos at Danilo Abonin Jr., 28, kapwa ng nasabing barangay.

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Bulagta sa loob ng kanilang bahay ang mag-ama matapos pasukin at pagbabarilin ng mga armadong suspek sa Zone 5, Brgy. Veneracion, Pamplona, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Danilo Abonin Sr., 54-anyos at Danilo Abonin Jr., 28, kapwa ng nasabing barangay.

Sa ulat ng Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-6 ng umaga, kagigising pa lang ng mga bik­tima nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang ilang ‘di nakilalang mga suspek na armado ng mahahaba at maigsing baril at hinahanap ang nagngangalang “Danilo.”

Gayunman, bago nakasagot ang tatay na nakaupo sa sala ay pinagbabaril na siya ng mga suspek habang hinabol naman at niratrat sa kusina ang anak.

Agad na nasawi ang mag-ama dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang tumakas ang mga suspek patungo sa bulubundu­king lugar ng barangay.

Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang ilang basyo ng M16 armalite rifle at kalibre .45 baril.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pamamaslang sa mag-ama.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with