^

Probinsiya

Binata kinuyog, inutas sa bar

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Binata kinuyog, inutas sa bar
Naisugod pa sa Las Piñas General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Jessie Muñoz, construction worker, ng Perales Compound, Progressive 12, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

CAVITE  , Philippines  —  Pinagtutusok ng payong sa mukha at binagsakan pa ng bato sa ulo ang isang 23-anyos na binata limang lalaki na nakainitan nito kasama ang mga kaibigan habang nagkakasayahan sa isang videoke bar kamakalawa sa Bacoor City.

Naisugod pa sa Las Piñas General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Jessie Muñoz,  construction worker, ng Perales Compound, Progressive 12, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Dalawa sa limang suspek ang naaresto ng pulisya na nakilalang sina Noel Magsayo, 20, ng Barurot Compound, Brgy. Queensrow B, Bacoor City, Cavite; Mark Capones, 20, ng Villa Esperanza, Brgy. Molino 2, Bacoor City, habang nakatakas ang mga kasamahan na sina Jomark Estola alias Buluntoy,  19, ng Block 2 Lot 17, BF Topman Subd., Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite; isang alyas Cyrus at isang Domingo.

Sa ulat, alas-4:00 ng madaling araw, nasa loob ng Gigz Videoke Bar at nag-iinuman ang biktima kasama ang kapatid na si Jomarie at mga kaibigan na sina  Noriel Candelario at isang alias Bajo habang nasa kabilang mesa ang grupo ng mga suspek na nag-iinuman din. Habang kumakanta si Bajo, humarang sa videoke machine ang isa sa mga suspek na si alias Cyrus na sumayaw at nang-aasar. Dahil dito, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng dalawang grupo na agad din namang naawat hanggang sa magpasyang umuwi ang ilang kasamahan ng biktima subalit nagpaiwan pa ang huli at kaibigang si Bajo sa bar. Nang makita ng grupo ng suspek na umalis ang mga kasama ng biktima, nagsenyasan sila na umalis at lumabas na ng videoke bar. Nang nasa labas na,  nagkubli sila sa madilim na bahagi at inabangan ang paglabas ng dalawang nahuling biktima. At nang lumabas, dito na sila agad na nilapitan ng mga suspek at pinagtulungang gulpihin. Mabilis na nakatakbo si Bajo at naiwan ang biktima na kinuyog, tinusok ng payong ang ulo nito at binagsakan pa ng bato sa mukha ng mga suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with