^

Probinsiya

‘Pusher’ utas sa shootout

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Pusher� utas sa shootout
Bulagta ang suspek na si Arnel Pakingan matapos mapatay ng mga pulis-Dasmarinas sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite kamakalawa.
Maria Cristina Go Timbang

CAVITE  , Philippines  —   Isang hinihinalang tulak ng droga ang napatay matapos umanong kumasa sa mga awtoridad sa isi­nagawang buy-bust ope­ration sa Brgy. Sa­lawag, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Alvin Ruby Consolacion, hepe ng Dasmariñas City Police, ang napatay na suspek na si Arnel Pakingan alyas “Arnel”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng elemento ng CDEU Dasmariñas ang buy-bust operation sa tirahan ng suspek sa Blk. 34 Golden City. Dasma 3, Brgy. Salawag.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili sa suspek ng shabu. Nang maiabot na ng suspek ang nasabing droga, agad na nagpakilalang pulis ang ka-deal nito at nang akmang poposasan ang suspek ay pumalag at mabilis na nagtatakbo. Dito, nagkaroon ng habulan at palitan ng putok hanggang sa duguang tumimbuwang ang suspek.

Narekober sa lugar ang 2 fired cartridges ng ‘di pa malamang kalibre ng baril, 1 pistola na may mga bala, 2 magazine na may mga bala; 1 sachet ng shabu; glass pipe; at may nakuha pa sa bulsa ng suspek na 10 plastic sachet na naglalaman ng mga  shabu. 

vuukle comment

BUY-BUST OPE­RATION

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with