^

Probinsiya

Bombing, silat sa military

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bombing, silat sa military
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)12, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ng Explosives Ordinance Team ng Philippine Army ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa nasabing highway malapit sa tulay sa Brgy. Labo, Datu Hofer sa lalawigan.
Ernie Penaredondo/File

MANILA, Philippines — Nasilat ng tropa ng militar ang planong pambobomba ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa kahabaan ng Cotabato-Isulan highway sa lalawigan ng Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)12, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ng Explosives Ordinance Team ng Philippine Army ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa  nasabing highway malapit sa tulay sa Brgy. Labo, Datu Hofer sa lalawigan.

Bago ito ay ilang mga motorista ang nag-report sa himpilan ng militar na malapit sa lugar hinggil sa kahina-hinalang kalalakihan sa lugar na may inabandonang kung anong bagay sa nasabing highway.

Agad namang nagresponde ang mga explosive expert na pansamantalang isinara sa motorista ang nasabing highway  habang nagsasagawa ng pag-detonate sa bomba.

Matapos ang dalawang oras nang ma-detonate ang bomba ay binuksan na sa mga motorista ang nasabing highway. (Rhoderick Beñez)

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with