^

Probinsiya

6 kilo marijuana samsam sa 2 ‘tulak’

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
6 kilo marijuana  samsam sa 2 �tulak�
Kinilala ni P/Chief Insp. Dhefry Punzalan, officer-in-charge ng Tanza Municipal Police Station, ang dalawang suspek na sina James Wanson alias Tony, nasa listahan ng mga drug pushers ng Tanza Police at Timothy Yag-ao; kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

CAVITE  , Philippines  —   Dalawang umano’y “drug pushers” ang nadakip kasabay ng pagkakasamsam ng may anim na kilong marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Sahud Ulan, sa Tanza ng lalawigang ito, kahapon.

 Kinilala ni P/Chief Insp. Dhefry Punzalan, officer-in-charge ng Tanza Municipal Police Station, ang dalawang suspek na sina James Wanson alias Tony, nasa listahan ng mga drug pushers ng Tanza Police at Timothy Yag-ao; kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar. Sa ulat, alas-10:30  ng umaga nang ikasa ng puwersa ng pulis-Tanza ang buy-bust  operation laban sa mga suspek at isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nakipag-deal sa mga suspek ng  isang brick (1 kilo) ng marijuana na may halagang P20,000. Nang magkaabutan ng droga at marked money, matagumpay na naaresto ang dalawa. Bukod sa isang brick ng marijuana na kanilang dala, nakuhanan pa sila ng 5 bricks o 5 kilong marijuana. Narekober din ng pulisya ang P18,000 marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

CRIME

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with