^

Probinsiya

Dengue outbreak sa isla: 1 patay, 22 nakaratay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dengue outbreak sa isla: 1 patay, 22 nakaratay

MANILA, Philippines — Isang bata ang nasawi habang 22 pang katao ang inoobserbahan sa pagamutan matapos na tamaan ng nakamamatay na sakit na dengue na nakukuha sa kagat ng lamok na epidemya na sa Itbayat Island sa Batanes.

Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, spokesman ng AFP Northern Luzon Command (AFP-Nolcom) agad na nagpadala ang kanilang himpilan ng air transportation assistance sa pamamagitan ng C295 airplane ng Philippine Air Force (PAF) para maihatid sa pagamutan ang mga maysakit na dengue.

“We provided assistance on Air Medical Evacuation (MEDEVAC) to several dengue patients in the northernmost and isolated province of Batanes,” anang opisyal.

Nabatid na isa sa tatlong batang nasa kritikal na kondisyon ang tuluyang binawian ng buhay kamakalawa matapos na bumagsak ang platelet count ng dugo nito.?

Bago ito, nakatanggap ng liham ng paghingi ng saklolo si AFP Nolcom Command Chief Lt. Gen. Emma­nuel Salamat mula kay Batanes Gov. Marilou Cayco kaugnay sa nasabing mga pasyente.

“Accordingly, Ba­tanes, particularly the island of Itbayat, is going through an epidemic due to dengue outbreak that could claim the lives of many people,” anang opisyal.

Sa tala, ang Itbayat ang may pinakamara­ming kaso ng dengue sa lalawigan kung saan nagsimula ang epi­demya nitong Hulyo 4 ng taong ito na mabilis na kumalat.

Nabatid na may iisang maliit na ospital lamang sa Itbayat at walang kapabilidad para gamutin ang mga pas­yenteng may dengue virus kung saan ta­nging bangka lamang ang ginagamit nilang transportasyon patungong Basco, ang kapitolyo ng lalawigan pero dahil sa masamang lagay ng panahon ay hindi sila makapagla­yag bunga ng malala­king alon.

Nagpadala na ng dalawang doktor sa isla mula Basco para tulu­ngan ang mga pas­yente na lumalala ang sakit na dengue.  

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with