^

Probinsiya

Kagawad itinumba sa Zamboanga!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kagawad itinumba sa Zamboanga!

MANILA, Philippines — Hindi na nakadalo pa ang isang bagong halal na kagawad sa kanilang “feeding program” nang pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang suspek malapit sa kanilang bahay sa Barangay Santa Catalina sa Zamboanga City, Sabado ng umaga.

Sa ulat kay P/Chief Insp. Shelamae Tubo-Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, nakilala ang biktima na si Michael Magallanes, 38-an­yos, na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

Nangyari ang pamamaril alas-7:30 ng umaga, malapit mismo sa bahay ng biktima sa Betty 2 Store. Patungo sana ang kagawad sa isinasagawang barangay feeding program nang isagawa ng ’di kilalang salarin ang krimen. Sa tala, si Magallanes ay nagsilbi bilang ingat yaman ng Brgy. Sta. Catalina noong taong 2013 bago siya tumakbong brgy. kagawad sa kakatapos na Barangay at SK election noong Mayo at pinalad na magwagi.

vuukle comment

CRIME

FEEDING PROGRAM

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with