^

Probinsiya

‘Tulak’ kumasa sa checkpoint, todas

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� kumasa sa checkpoint, todas
Ang napatay na suspek na si alyas “Nano” na umano’y nasabat at nakipagbarilan sa mga pulis sa isang police checkpoint sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kuha ni Cristina Go Timbang

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos na umano’y umalma sa inilatag na checkpoint ng pulisya at makipagbarilan kahapon ng madaling-araw sa Gen. Mariano Alvarez, ng lalawigan.

Kinilala lamang ng pulisya ang napatay sa alyas “Nano”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.

Nabatid na ang suspek ay kasama sa drug watchlist ng Silang at GMA Police at kilala rin umanong holdaper.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang pulisya sa Congressional Road, Brgy. Poblacion 1 ng ba­yang ito nang isang lalaki na sakay ng motorsiklo na walang plaka ang kanilang namataan.

Patungo umano ng north direction ang lalaki at nang kanilang haharangin ay biglang umarangkada at nilampasan ang checkpoint. Dahil dito, nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang suspek sa nasabing lugar at nagkaputukan.

Tumimbuwang ang sus­pek at narekober dito ang isang maiksing baril at ang motor na ginamit nito.

vuukle comment

DRUG WATCHLIST DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with