^

Probinsiya

4 ‘tulak’ minasaker ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na katao kabilang ang isang babae na sinasabing mga “tulak ng droga” ang minasaker matapos na pagbabarilin habang masa­yang nag-iinuman ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Barangay Mambugan, Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay naki­lalang sina Rommel Auxtero  Bedrona, 30; Leonard Cons­tantino alyas “Sarge”, 27; Dave Natalaray, 32 at Margaret Diane Salazar, 21, na live-in partner ni Cons­tantino.

Sinasabing ang apat ay pawang drug surrenderees na may kategorya bilang drug pushers at users na hindi umano tumigil sa kanilang gawain.

Sa ulat ng Antipolo City Police kay PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Edward Carranza, dakong  alas-11:30 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa harapan ng barber shop sa 1st Street sa Virginia Summerville Subdivision, sa Brgy. Mambugan nang bigla na lang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at kaagad na pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga pulis sa crime scene ngunit nakatakas na ang mga suspek, habang dead-on-the-spot na sina Natalaray at Salazar. Naisugod pa sa pagamutan ngunit hindi na rin umabot pa nang buhay sina Bedrona at Constantino.

vuukle comment

TULAK NG DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with