^

Probinsiya

Lider ng mga holdaper at pusher dedo sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang sinasabing lider ng mga holdaper at nagtutulak ng bawal na droga makaraang umano’y manlaban at mabaril ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na suspek ay nakilala lang sa alyas “Pusa”, umano’y lider ng Highway Robbery Group at residente ng Barangay San Juan sa Taytay.

Batay sa ulat,  dakong alas-8:00 ng gabi nang isa­gawa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Police Regional Office 4A (PRO4A) ang buy-bust operation laban sa suspek sa Manila East Compound, Barangay San Juan sa Taytay.

Isang parak ang nagsilbing poseur buyer at nang makabili ng P1,000 halaga ng shabu ay kaagad na nagpakilalang pulis. Sa halip namang sumuko ang suspek, kaagad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad. Dito mabilis namang nakapagkubli ang mga pulis at gumanti ng putok sa suspek na tinamaan at napatay.

Nasamsam sa lugar ang 11 pirasong sachet ng shabu na nasa 50 gramo at P680,000 halaga, isang kalibre .38 revolver, P1,000 marked money at iba pang drug paraphernalia.   

vuukle comment

BAWAL NA DROGA

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with