^

Probinsiya

Nasibak na pulis, dedo sa drug war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang dating pulis na nadismis sa serbisyo at nasa drug watchlist matapos na manlaban sa mga operatiba sa isinagawang buy bust operation sa Famy, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Kirby John Kraft, Director ng Laguna Police ang napatay na suspek na si ex-Police Officer 3 Arnel Aguilan alyas Parak, 52 anyos, hiwalay sa asawa, nadismis sa serbisyo at dating nakatalaga sa Lucena City Police sa Quezon noong 1998 at residente ng Brgy. Bulihan, Famy.

Si Parak na idineklarang dead-on-arrival sa Pakil Gen. Cailles Hospital ay sangkot umano sa talamak na pagtutulak ng droga sa nasabing bayan at mga karatig lugar. 

Sa ulat, bandang alas-9:55 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation ng mga ope­ratiba ng Family Police-Drug Enforcement Unit (DEU) sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban kay Parak sa Brgy. Tunhac. Ito ay matapos na magbenta ang mga suspek ng tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa poseur buyer. Gayunman, nakatunog si Parak na mga lehitimong pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad nitong pinaputukan na nauwi sa shootout at ikinasawi ng suspek.

Narekober sa lugar ang isang pistola, 5 sachets ng shabu at mga drug paraphernalia. 

vuukle comment

DATING PULIS

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with