^

Probinsiya

Trike vs trike: 1 dedo, 4 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang 13-anyos na lalaki habang malubhang nasu­gatan ang apat pa nang magsalpukan ang dalawang tricycle sa kahabaan ng highway sa Purok 4, Brgy. Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte noong Linggo ng umaga.

Naisugod pa sa Jose Panganiban Primary Hospital pero idineklarang patay si Emmanuel Molina, Grade 7 student at residente ng Brgy. Sta, Milagros.

Ang mga sugatan ay sina Catherine Gonzales, 27 anyos; Khris Bryan Gonzales, 5 anyos, John Darren Gonzales, 3 anyos; pawang residente ng Purok 6, Brgy. Bagumbayan at Roel Cabanela, 55-anyos ng Brgy. North Poblacion.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga habang magkasalubong na binabagtas ang magkabilang linya ng tricycle na minamaneho ni Noe Mendaro,48 anyos, ng Rizal Avenue lulan si Molina at mag-iinang Gonzales, at isa pang tricycle na minamaneho naman ni Alferez Antonio, 51 anyos, ng Brgy. South Poblacion sakay ang pasaherong si Cabanela nang biglang nawalan ng kontrol sa manibela si Antonio at kinain ang linya nang kasalubong na tricycle ni Mendaro at nagsalpukan.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon lahat ng sakay ng dalawang tricycle sa kalsada na sinaklolohan ng rescuers at dinala sa ospital pero nasawi si Molina.

Agad namang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang driver na si Antonio.

vuukle comment

DEAD

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with