^

Probinsiya

1-anyos patay sa gulpi ng 2 ‘yaya’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang 1-anyos na batang la­laki matapos  dumanas ng pambubugbog at ihagis pa sa bubungan ng sadistang maglive-in partner na tagapag-alaga nito sa Dipolog City, Zamboanga del Norte, ayon sa ulat kahapon.

 Sa report ng Zamboanga del Norte Police, kinilala ang biktima na si Vince Amorganda na binawian ng buhay kamakalawa matapos na isugod sa pagamutan sanhi ng pamumuo ng dugo sa ulo nito at maraming pasa sa katawan.

Ang mga suspek ay nakilala namang sina Edmarie Amorganda, tiyahin ng biktima at live-in partner nito na si Pablito Magsayo. Sila ang nagsisilbing tagapag-alaga ng biktima dahil nasa Maynila ang ina nito.

 Nitong Sabado ay dinala na sa morgue ang bata matapos siyang bawian ng buhay sa pagamutan sanhi ng kalupitan ng maglive-in partner na ayon sa mga kapitbahay ng kanilang pamilya ay inihagis pa sa bubungan ang bata dahil ayaw nitong tumigil sa pag-iyak.

 Inaresto naman ng mga awtoridad ang maglive-in partner na nahaharap sa kasong kriminal.

 Sa pahayag ng la­laking suspek sa pulisya, inamin nito na kinuha niya sa bubu­ngan ang bata bago nadala sa hospital. Ang nilikhang kalabog matapos ihagis ang biktima ay narinig pa ng kanilang mga kapitbahay.

 Ayon naman sa suspek na tiyahin, nila­lagnat lamang umano ang bata kaya may mga pasa sa katawan.

vuukle comment

BABY BEATEN TO DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with