^

Probinsiya

2 ‘holdaper’ bulagta sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na holdaper ang napatay matapos na makipagba­rilan ng mga pulis sa Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna nitong Sabado ng madaling-araw.

Sa ulat ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Edward Carranza, dakong alas -3:30 ng madaling araw ng makasagupa ng pinagsanib na puwersa ng Biñan City Police at Highway Patrol Group (HPG) IV A ang mga suspek sa lugar.

Nauna rito, hinoldap ng mga armadong suspek ang Bingo Tsunami na matatagpuan sa Brgy. Canlalay sa lungsod ng Biñan na tumagal lamang ng ilang minuto bago sila nagsitakas lulan ng kulay pulang motorsiklong Suzuki. 

Nang matanggap ang impormasyon,  agad namang hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek na nagpaputok nang malapit na silang masukol. Sa halip na sumuko, nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinabulagta ng dalawang ‘di kilalang suspek.

Nakuha sa crime scene ang motorsiklo na sa beripikasyon ay lumitaw na kinarnap, dalawang improvised na baril na kargado ng bala, dalawang kulay itim na body bag at mga basyo ng bala.

vuukle comment

HOLDAPER DIED IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with