Lightning kills 2 farmers in Zamboanga Sibugay
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang magsasaka, habang sugatan ang isa matapos makidlatan kagabi sa Payao, Zamboanga Sibugay.
Nakilala ang mga biktimang sina Ranilo Navarro Sr., 49 at Michael Castillo, 27, na mga residente ng Barangay Bulawan.
Maswerte namang nakaligtas si Eric dela Cruz, 22, ayon kay Chief Inspector Helen Galvez, spokesperson of Police Regional Office 9.
Nagpapahinga sa isang kubo ang mga biktima habang nagpapatila ng ulan nang makidlatan sila bandang 6:30 kagabi.
Kaagad nasawi sina Navarro at Castillo sa insidente, habang naisugod pa sa Lancheta Hospital si dela Cruz.
- Latest