^

Probinsiya

Holdaper bulagta sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Holdaper bulagta sa shootout
Napatay ang isang hinihinalang holdaper nang umano’y makipagbarilan sa mga pulis makaraan ang may ilang minutong habulan at palitan ng putok matapos ang panghoholdap ng suspek sa isang babaeng biktima sa Carmona, Cavite kamakalawa.
Cristina Go Timbang

CAVITE  , Philippines  —   Isang hin­di pa kilalang lalaki na sinasabing nanghol­dap ng isang babae ang napatay ng pulisya matapos na umano’y makipagba­rilan sa mga pulis habang tumataas lulan ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Carmona, ng lalawigan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.

 Sa nakalap na report mula kay P/Chief Insp. Rommel Carcellar, hepe ng Carmona Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang magsagawa sila ng dragnet operation sa kahabaan ng Governor’s Drive, Cabilang Baybay, Carmona, Cavite matapos na isang si Marcel Olan ang humingi ng tulong nag holdapin umano ng suspek at tinangay ang kanyang cellphone, pera at mahahalagang gamit.

Ayon sa biktima, hinarang siya ng suspek at tinutukan ng baril at tuluyang hinoldap. Matapos ito ay mabilis na tumakas, sakay ng da­lang motorsiklo.

Kaugnay nito, isang motorsiklo ang nasabat ng pulisya sa may Southwoods subalit hindi ito huminto. Dito na naganap ang habulan at palitan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang suspek.

Narekober sa lugar ang isang brown handbag, isang cellphone at iba’t ibang mga personal na kagamitan na positibong kinilala ng biktima na kanyang pag-aari habang nakuha sa bulsa ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.    

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with