^

Probinsiya

Cavite encounter: 2 ‘tulak’ utas!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay matapos ang engkuwentro sa pagitan ng dalawang umano’y drug pusher at mga kagawad ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, sa lalawigang ito kahapon.

Nakilala lamang sa mga alias na Lorick at Romiel ang mga napatay na suspek.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:55 ng madaling araw nang magpanggap na poseur buyer ang isang operatiba ng Bacoor Police sa Bacoor Boulevard, Brgy. Niog, nasabing lungsod.

Habang isinasagawa ang transaksyon, nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal kung kaya mabilis silang tumakbo at sumakay ng kanilang dalang motorsiklo na kulay itim na Sym na walang plaka patungo sa direksyong katimugan ng Molino Road. Dito na nagkaroon ng habulan at palitan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang dalawang maiksing baril, hinihinalang mga shabu at drug paraphernalia.  

vuukle comment

DRUG BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with