^

Probinsiya

2 preso nakapuga sa selda

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Dalawang preso ang nakapuga matapos na palihim na lagariin ang steel bar sa may kisame ng kanilang kulungan kahapon ng madaling araw sa Manggahan Detention Cell, Gen. Trias, ng lalawigan. Ang mga nakatakas ay  sina Ernesto Sapina Buco, may kasong robbery at Ronel Dahap Siay, may kasong paglabag sa Section 5 na may kaugnayan sa Sec 26, Section 6 at Section 11, Article 2 ng R.A. 9165. 

Sa imbestigasyon, alas-4:21 ng madaling araw habang nasa kasarapan ng tulog ang mga preso sa loob ng kanilang selda habang naka-duty ng mga oras na iyon si jail officer PO1 Joel Otic nang samantalahin nina Buco at Siay kasama ang isa pang inmate na si Geronimo Diputado, may kaso rin sa droga, na halinhinang lagariin ang rehas na bakal sa may kisame ng kulungan. Napigilan ni PO1 Otic si Diputado na makatakas nang kanyang madamba habang tumatakbo pero nakalabas ng kulungan sina Buco at Siay.

vuukle comment

MANGGAHAN DETENTION CELL

PRESO A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with