^

Probinsiya

2 ‘tulak’ todas sa buy bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� todas sa buy bust
Tumimbuwang ang suspek na si alias Blackfair matapos na maki­pagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation ng Silang Police sa Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Nakarekober sa kanya ang isang baril (inset) sa lugar.
Cristina Go Timbang

CAVITE, Philippines — Dalawa na namang tulak ang patay matapos maki­pagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation sa Gen. Mariano at Silang ng lalawigan, iniulat kahapon. Kinilala lamang ang suspek sa alyas Dino, may taas na 5’7 at nasa 20 pataas ang edad na nasawi sa Gen. Mariano habang ang suspek na napatay sa Silang ay si Eduardo Villarmino alias “Blackpair”, nasa hustong gulang, ng Brgy. Sabutan ng nasabing bayan.

Sa unang report, alas-2:00 ng madaling araw nang ikasa ng Gen. Mariano Police sa pangunguna ni P/Chief Inspector Romulo Co Dela Rea at PDEA-4A ang buy bust operation laban kay Dino. Habang nakikipagtransaksyon sa suspek ang isang posuer buyer, nakatunog umano ang una na mga pulis ang ka-deal kung kaya mabilis na nagpaputok at tumakbo subalit gumanti ng putok ang mga awtoridad sanhi ng kanyang kamatayan.

Dakong ala-1:18 naman ng madaling araw nang maki­pagbarilan sa mga pulis si Villarmino sa inilatag na buy bust operation ng Silang  Police sa pangunguna ni Supt. Rommel Laconsay Javier sa Brgy. Sabutan kasama ang PDEA-4A laban sa suspek.

Narekober kay Dino ang isang cal. 38 revolver;  dalawang naiputok at 4 na cartridge;  P795 cash;  14 piraso ng  plastic sachet ng shabu, isang cellphone at isang  MC Honda na walang plaka at dokumento habang kay Villarmino ay isang cal. 38 revolver at shabu na nasa plastic sachet.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with