^

Probinsiya

Salpukan ng motorsiklo: Rider dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Nabasag ang ulo at nalasog ang katawan ng isang rider matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy. San Jose, Goa, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Sinubukan pang isugod sa St. John Hospital pero nasawi rin habang ginagamot ang ‘di pa nakikilalang biktima habang sugatan din ang mga sakay ng nakabanggaang motorsiklo na sina Merle Pamada, 40, ng Brgy. Pugay, San Jose at ang dalawang backrider na menor-de-edad na kapwa hindi na pinangalanan.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-10:30 ng gabi, magkasalubong na binabaybay ng dalawang motorsiklo ang highway nang biglang mawalan ng kontrol at inokupa ng ‘di pa nakikilalang rider ang linya ng motorsiklo ni Pamada dahilan para magsalpukan ang kanilang mga sasakyan. Agad namang isinugod sa pagamutan ang lahat ng biktima pero idineklarang patay ang naturang rider. 

vuukle comment

MOTORSIKLO

ST. JOHN HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with