^

Probinsiya

‘Tulak’ utas sa buy-bust

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Tumimbuwang ang isang karpintero na sinasabing kilabot na tulak ng shabu matapos itong manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Tanza, Cavite kahapon ng madaling araw. 

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Donato Masicap, 50-anyos, may asawa, at residente ng Brgy Paradahan 1, ng naturang lalawigan. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ang  buy-bust operation laban sa suspek. 

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng halagang P300.00 na shabu sa suspek.

Subalit agad itong nakatunog na pulis ang kanyang katransaksiyon kung kaya tumakbo ito papasok ng kanyang bahay at kinuha ang kanyang baril at nakipagbarilan sa pulisya. 

Walang buhay itong bumulagta at nakuha rito ang baril na ginamit at mga shabu at paraphernalias.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with