^

Probinsiya

2 magsasaka tigok sa balon

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tigok ang dalawang magsasaka sa loob ng isang siyam na metrong lalim na balon habang isinasaayos ang pagpapatubig sa kanilang sakahan sa Barangay Naruangan, Tuao,  Cagayan noong Huwebes. 

Sa report na nakarating sa hepe ng pulisya na si Chief Insp. Reymund Asistores; lumusong sa butas sina Martin Lamusao, 56-anyos at Romeo Agustin, 43 taong gulang upang ayusin ang sirang bahagi ng tubo bago nila paandarahin ang water pump para sa irigasyon.

Gayunman, dahil sa matinding init at kawalan ng hangin ay nawalan ng ulirat ang dalawa sa loob ng butas. Dakong tanghali na naiahon ng mga kanayon ang katawan ng mga biktima saka isinugod sa Rural Health Unit Clinic kung saan sila idineklarang patay.

vuukle comment

FARMER DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with