^

Probinsiya

Binata iniwan ng gf, nag-suicide

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Hindi na nakaboto ang isang 20-anyos na binata nang magbigti sa puno ng mangga matapos makipagkalas sa kanya ang nobya sa Brgy. Marzan, Sanchez Mira, Cagayan bago ang eleksyong pambarangay. ?Sa report ni PO2 Saldi Sibayan, inakalang biro lamang ng mga kainuman ni Robert Bumiltac ang pagpapaalam nito para magpakamatay dahil umano sa mabigat nitong dinadala sa dibdib. Gayunman, buong gulat ni Junfer Garon na nagtungo sa puno upang umihi nang makita ang bayaw na si Bumiltac na nakabitin at lawit pa ang dila.

?Sinikap ng mga kaanak na isugod ang binata sa hospital pero idineklara siyang patay. ?Nabatid mula sa mga kaanak na naging malungkot, tulala at laging nakatingin sa malayo si Bumiltac mula nang makipagkalas sa kanya ang nobya.? Ayon kay Sibayan, nagawa pa ng biktimang mag-text sa mga kaanak at kaibigan upang humingi ng paumanhin sa gagawin niyang pagbibigti.      

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with