^

Probinsiya

Amok nanaga sa bus, 2 grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Dalawang katao ang sugatan, isa dito ang natapyasan ng tenga matapos na walang habas na managa ang isang mister na nag-amok sa loob ng pampasaherong GV Florida Bus habang binabagtas ang highway ng Barangay Perez, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Linggo.?

Ayon sa Bayombong Police, kinailangan pang ihiwalay ng kulungan ang suspek na si Roger Gu­yala, 39, tubong Buguey, Cagayan dahil sa animo’y sinasaniban ng diablo sa pagwawala.?

Nabatid na nakitaan na ng hindi magandang asal si Guyala mula nang isakay siya sa Maynila ng drayber na si Dading Dalmacida, 57 bago bumiyahe pa Nueva Vizcaya.?

Ayon sa report, pagsapit sa Bayombong,  inilabas na ni Guyala ang bagong hasa nitong 16 pulgada na itak saka pinatataga ang mga katabing pasahero na sina Nathaniel Butial at Elvis Saturno na natapyasan pa ng tenga. ?Nagawa namang magapi ng iba pang pasahero si Guyala na nanlilisik pa ang mga mata nang ipasakamay sa pulisya. ?

Samantala, tumuloy pa rin sa biyahe ang bus kasama ang dalawang sugatan para umano’y makahabol sa pagboto sa Brgy at SK election sa Cagayan kahapon.

vuukle comment

GV FLORIDA BUS

NAG-AMOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with