^

Probinsiya

Dyip hulog sa bangin: 2 patay, 13 sugatan

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS  , Philippines  —  Dalawang katao ang nasawi habang 13 pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang dyip sa bayan ng Lemery, lalawigang ito noong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Victoria Bermoy, 57, at Mel Jansen Aspi 30.

Naisugod naman sa ospital sina Hernando Villanueva, driver; Jubelyn Villanueva, 33; Juvhern Villanueva, 8; Jhelyra Villanueva, 5; Helen Megan Aldos, 29; Tom Bermoy, 63; Carlisle Severus Aspi, 4;  Daniel Bermoy, 3-buwan;  Natividad Agualada, 61; April Aspi, 32; Baby Jean Casuno, 14; Ariane Aldos, 28, at Manel Casuno, 22, pawang mga residente ng Brgy. Queens Row, Molino III, Bacoor, Cavite.

Ayon sa report, binabagtas ng isang Suzuki Jitney Utility Vehicle (ADN-7022) ang paakyat na kalsada ng Fantasy World Amusement Park sa Brgy. Mayasang nang magkaproblema ang makina nito at tuluyang huminto bandang alas-11:45 ng umaga. Ilang saglit lang, umatras ang sasakyan hanggang mahulog sa malalim na bangin.

Patungo sana ang grupo sa naturang parke para mag sight-seeing nang maganap ang aksidente.    

vuukle comment

MAHULOG SA BANGIN

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with