^

Probinsiya

‘Tulak’ dedo, bebot huli sa buy bust ops

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —  Patay ang isang umano’y drug pusher habang arestado ang kasama nitong babae matapos ang isinagawang  buy bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Kawit.

Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Jervie Garcia alias “Pungkol”, 31, ng  Brgy. Samala-Marquez, Kawit, Cavite habang naaresto ang kasama nitong babae na si Crisalyn Plandez, 24, ng Brgy. Samala-Marquez, Kawit.

Sa ulat, alas 10:04 ng gabi nang ikasa ng Kawit SDEU at PDEA 4-A ang buy bust operation laban sa target na suspek sa Brgy. Samala at isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu sa halagang P500 sa mga suspek. Nang magkapalitan ng droga at marked money, palihim na sumenyas ang pulis bilang hudyat sa kanyang mga nakakubling kasamahan.

Gayunman, nakatunog ang suspek kung kaya mabilis na ikinasa ang dalang shotgun at pinaputukan ang mga pulis bago mabilis na tumakbo hanggang sa magka-enkuwentro.

Narekober sa lugar ang 5 piraso ng plastic sachet ng mga shabu; isang improvised shotgun; anim na fired cartridge case ng cal. 9mm;  isang glass tooter;  dalawang lighter; isang weighing scale; isang cellphone at P1,720 cash.    

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with