^

Probinsiya

Totoy dedo sa tumbok ng trak

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 8-anyos na lalaki makaraan siyang tumbukin ng isang rumaragasang Mitsubishi Canter truck habang tumatawid sa kahabaan ng Covelandia Rd. sa Brgy. Pulborista Kawit, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang kinila­lang si Rhiz Chan Aguilar Espiritu, residente ng naturang lugar. 

Hawak naman ng pulisya ang sugatang dri­ver ng truck na si Loime Galanzan Lima, 25-an­yos, residente ng Tofascio Compound, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente, minamaneho ng suspek ang nasabing truck (ABO 2007) sa nasabing lugar nang hindi nito napansin ang biktimang papatawid dahilan upang masalpok ito.

Tumilapon ang biktima at nagpagulung-gulong pa sa kalsada na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito. 

Habang nawalan naman sa kontrol sa manibela ang driver kung kaya’t sumalpok sa isang kongretong poste dahilan upang magtamo ito ng sugat.

Kasong Reckless Imprudence resulting to homicide and damage to property ang kinakaharap ng nasabing driver.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with