^

Probinsiya

3 patay sa road mishap

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi makaraang masangkot ang apat na sasakyan sa salpukan sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cagayan, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Cagayan Police, nakilala ang mga nasawing biktima na sina Johnny Flores, 48, Krusaldo Butay, 49, kapwa karpintero at kapwa residente rin ng Barangay Simayung, Abulug, Cagayan at Francis Tuliao, 24, computer technician at residente naman ng Ugac Norte, Tuguegarao City.

Dakong alas-8:00 ng umaga kamakalawa nang aksidenteng matumbok ng isang Ford Ranger na pick-up (IM 512) na minamaneho ni Wendell Francisco, 32, ng Focier St., Laoag City, Ilocos Norte ang sinasakyang Suzuki Smash motorcycle (BD 93235) ng mga biktimang sina Flores at Butay sa national highway sa Barangay Ballesteros, Cagayan.

Nasawi naman ang biktimang si Tuliao matapos na sulpukin ang sinusundang isang Toyota Corrola Altis (SAA 3500) na minamaneho naman ni Marlo Serrano, 46, residente ng Barangay Amungo, Tuao, Cagayan pagsapit naman sa Enrile Boulevard, Carig Sur, Tuguegarao City, naganap dakong alas-7:00 ng gabi.

Ang tatlong mga biktima ay mabilis na isinugod sa mga pinakamalapit na pagamutan subalit binawian din ang mga ito ng buhay sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Boluntaryo naman na sumuko sa pulisya ang mga driver na sangkot sa nasabing aksidente.

vuukle comment

NASAWI

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with