^

Probinsiya

NPA lider patay sa engkuwentro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang hinihinalang lider at commander ng New People’s Army (NPA) habang isa sa kasama nito ang naaresto nang makabakbakan ang tropa ng sundalo, kamakalawa sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ang napatay ay kinila­lang si Julito Pueblas alyas “Taghoy” na umano’y commanding officer ng Sentro de Grabidad Guerrilla Front 51 Southen Mindanao Regional  committee.  Habang naaresto si Jessa Lumana na nakuhahan ng M-16 rifle, tatlong improvised bombs, dalawang rifle grenades at mga subersibong dokumento.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-11:25 noong Sabado ay rumesponde ang tropa ng pamahalaan nang makatanggap ng ulat na mayroong mga rebelde sa Sitio Bayongon.

Pagdating ng tropa ng sundalo ay agad na nagpalitan ng putok ang mag­kabilang panig na tumagal ng ilang oras na ikinasawi ni Pueblas.

Naniniwala naman ang tropa ng mililtar na mara­ming nasugatang NPA sa nasabing engkuwentro dahil sa mga bakas ng dugo sa lugar ng sagupaan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

SUNDALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with