^

Probinsiya

Lolong rider todas sa poste

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang buhay nang idating sa pagamutan ang isang rider na 63-anyos matapos sumalpok ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isang kongkretong poste ng kuryente sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Ariman sa bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Gubat District Hospital ang biktimang kinilalang si Jose Albacto Santos Tanseco, 63-anyos, residente ng Dasmarinas Village, Makati City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-2:15 ng hapon habang mabilis na binabaybay ng biktima ang kahabaan ng highway lulan ng kanyang ‘bigbike’ na BMW XR 51000 patungong bayan ng Barcelona nang mawalan ito ng kontrol dahilan upang sumemplang sa kalsada at bumanga sa konkretong poste ng kuryente sa tabi ng highway.

Agad sinaklolohan ng mga nakakitang residente ang biktima pero ‘di na umabot ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo ng kanyang katawan.

Kinukumpirma pa ng mga pulis kung kasama si Tanseco sa grupo ng mga riders na dumayo sa Legazpi City, Albay dahil sa ginagawang national convention hangang ngayong araw ng Lunes ng Motorcycle Riders of the Philippines kung saan naging pangunahing bisita pa kamakalawa ng gabi sa opening cermony si Pangulong Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go.

vuukle comment

DEAD-ON-ARRIVAL

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with