^

Probinsiya

Jeep nahulog sa bangin: 1 patay, 16 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa katao ang nasawi habang 16 ang nasugatan  makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeepney sa Brgy. Tigmalapad, Miagao, Iloilo nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Adora Farochilen na idineklarang dead on arrival sa Guimbal District Hospital sanhi ng mga tinamong malalalim na sugat sa katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang ilan sa mga nasugatan na kinilalang sina Elvira Ebron, 58; Maria Isabel Napulan, 35; Lolita Muelan, 68; Corazon Muelan, 69; Lovely Rose Muelan, 17; Salvacion Muelan, 45; Ryza Rain Monay, 6; Jade Do­land Guillermo, 9; Villa Ruz Guillermo, Maritess Muyong,45; Janet Momay, 44; Tiffany Momay, 4; Mariel Ramirez, 32.

Batay sa ulat, ni Chief Inspector Joem Malong, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 6, nangyari ang insidente  sa kahabaan ng highway ng Brgy. Igbita, Miagao, Iloilo dakong ala-1:00 ng hapon.

Ayon kay Malong, kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang pampasaherong jeep (FVW 259) na minamaneho ni Ronnie Failaman, 34 galing sa Poblacion ng Miagao patungong Brgy. Tigmalapad nang pagsapit sa lugar ay maganap ang trahedya.

Sinabi ni Malong na habang bumabagtas ang jeepney paakyat sa bulubunduking bahagi sa highway ng Brgy.Igbita nang biglang huminto ang jeepney at umatras pababa.

Ang behikulo ay tuluy­- tuloy na bumulusok, sa malalim na bangin sa tagiliran ng highway na ikinasawi ng isang pasahero nito habang 16 pa ang nasugatan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito.

vuukle comment

NASAWI

PAMPASAHERONG JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with