^

Probinsiya

Lady trader pumalag sa holdap, inutas

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril nang malapitan at napatay ang isang 52-anyos na negos­yanteng ginang  ng hindi pa nakilalang riding in tandem na nangholdap sa kaniyang tindahan sa Ligao City, Albay kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si Lilibeth Rigay, 52, residente ng Purok 7, Barangay Abella ng nasabing lungsod.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakilalang mga suspek sakay ng ka­nilang motorsiklo.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO) 5, naitala ang krimen pa­sado alas-3:00 ng hapon nang dumating ang riding in tandem sa lugar at agad nilapitan ang biktima na nagbabantay ng tindahan.

Agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspek pero pumalag ang ginang kaya nairita ang mga suspek at pinagbabaril ito.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sa ginang na duguang bumulagta sa insidente.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga otoridad kung magkano ang natangay ng mga salarin sa tindahan ng nasabing ginang.

vuukle comment

HOLDAP

NEGOS­YANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with