^

Probinsiya

Trike sinalpok ng bus:1 todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay  , Philippines  —  Pisak ang katawan at naputol pa ang binti ng isang 41-anyos na lala­ke matapos mabanga at makaladkad ng bus ang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Esperanza, Pilar, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Ulpiano Placios, residente ng Brgy. San Rafael, Guinobatan, Albay.

Sa police report na nakarating sa Camp Gen.Simeon  Ola, dakong alas-8:30 ng gabi, ay papatawid sa intersection ng highway ang tricycle na sinasakyan ni Placios na minamaneho ni Michael LLave nang biglang sumulpot ang rumaragasang DLTB Bus (UYE-162) na minamaneho ni Emerito Ricamara, 53, ng Brgy. I Sabang, Lucena City.

Sa lakas nang pagkakabanga ay napitpit na parang lata ang tricycle habang tumilapon at nakaladkad pa ng bus ang biktima.

Sugatan pero nakaligtas naman ang driver ng tricycle na si LLave at isa pang pasaherong nakilalang si NJ Lorenzo, 29.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang driver ng bus na si Ricamara.

vuukle comment

MABANGA

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with