^

Probinsiya

Mag-asawa dakip sa P1-B online scam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang mag-asawa na sangkot sa P1-bilyong online investment scam gamit ang cryptocurrency o bitcoin sa operasyon sa Vigan City, Ilocos Sur, ayon sa mga opisyal kahapon.

Iprinisinta nina PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa at PNP-CIDG Chief P/Director Roel Obusan sa press briefing sa Camp Crame ang mga nasakoteng mag-asawang suspek na sina Arnel Ordonio, 27 at misis nitong si Leonady.

Ang mag-asawa ay may-ari ng NewG Bitcoin Investment Trading na ginamit sa cryptocurrency trading na popular sa buong mundo bagay na sinakyan ng mga suspek upang makapanloko ng mga biktima sa kanilang investment scam.

“More or less 900 million pesos have been amassed from the victims who believed in the couple’s false promise of huge amount of interest in a short span of time,” pahayag ni dela Rosa.

Ang mag-asawa ay nasakote sa entrapment ope­ration noong Abril 4 dakong alas-9:45 ng gabi sa Calle Crisologo, Vigan City, Ilocos Sur at nasamsam mula sa mga ito ang boodle money na ginamit ng mga otoridad  sa kanilang pagbitag, laptop, mobile phone na gamit ng mga ito sa kanilang illegal na aktibidades.

Inihayag ni Obusan na ang pagkakaaresto sa mga suspect ay matapos na dumulog sa Camp Crame ang 48 sa mga nabiktima ng mag-asawa sa kanilang online bitcoin trading kapalit ng pekeng pangako na tutubo ng malaking interes ang pera ng kanilang mga binibiktima.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng PNP-CIDG sa Camp Crame ang mga suspek na nahaharap sa kasong syndicated estafa.

vuukle comment

ONLINE SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with