^

Probinsiya

Baby kinatay ni daddy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Pinagsasaksak, ginilitan sa leeg

MANILA, Philippines — Makapanindig-balahibo ang karumal-dumal na kamatayan na sinapit ng isang 2-anyos na batang babae sa kamay mismo ng kanyang ama na pinaniniwalaang sabog sa droga matapos siyang katayin sa saksak at gilitan sa leeg naganap sa Bakawan Hanapi Drive, Brgy. Kasanyangan sa lungsod ng Zamboanga kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot na noo’y naliligo sa sarili niyang dugo ang biktimang kinalala lamang sa palayaw na “Baby” bunsod ng mga tinamong mga saksak at dalawang malalalim na gilit sa kaniyang leeg.

Ang pamilya ng biktima ay naninirahan sa Masepla 3,  Brgy. Mampang ng lungsod.

Samantalang ang ama na suspek ay kinilala naman na si Gapor Alkasahaya, 50-an­yos ay isinugod sa Zamboanga City Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa noo at kaliwang hita matapos na mabaril nang manlaban at tangkaing sugurin ng taga ang mga nagrespondeng elemento ng pulisya.

Batay sa report, sinabi ni Chief Inspector Helen Galvez, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang malagim na krimen dakong alas-2:00 ng hapon sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng ina ng bata na hindi na tinukoy ang pangalan para sa proteksyon ng kanilang pamilya, nasa impluwensya umano ng droga ang kaniyang mister nang umuwi ito sa kanilang tahanan at sunggaban ang kanilang 2-anyos na anak na babae at saka ito pinagsasaksak na naging sanhi ng kamatayan ng paslit.

Nagresponde naman sa lugar ang mga elemento ng pulisya upang arestuhin ang suspek pero sinugod nito ng gulok ang mga operatiba bunsod upang barilin ito at sugatang isugod sa pagamutan.

Ang biktima ay dinala na sa kanilang tahanan upang ilibing sa loob ng 24 oras alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim habang nahaharap naman sa kasong parricide ang ama ng bata na bantay sarado ng mga otoridad.

vuukle comment

KAMATAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with