^

Probinsiya

Motor salpok sa poste: 1 tigok, 1 kritikal

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite  , Philippines  — Dead-on-the-spot ang isang 17-anyos na binatilyo rider habang malubhang sugatan naman ang 14 taong gulang na kaangkas matapos na sumalpok sa isang kongkretong poste ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng Molino Road Brgy. San Nicolas 2, Bacoor Cavite.  Patay agad sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang kinilalang si Justine Kian Tero, residente ng  No. 57 Brgy. Bayanan, ng naturang lungsod habang kritikal pa rin hanggang sa kasalukuyan ang backrider nito na si Dave Casulla.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw habang magkaangkas ang dalawa sa kulay asul at walang plakang RACAL motorcycle at matulin na binabagtas ang nasabing lugar nang bigla umanong nawalan ng kontrol si Tero sa manibela dahilan upang dire-diretso itong sumalpok sa kongkretong poste na nasa gilid ng kalsada.  Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang dalawa sa kalsada na nagresulta sa agarang pagkasawi ni Tero at malubhang ikinasugat ni Casulla.

vuukle comment

DEAD-ON-THE-SPOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with