^

Probinsiya

2 tigok, 5 sugatan sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang lima ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Peñablanca at Iguig, Cagayan kamakalawa. ?

Sa report na nakarating kay Chief Insp. Joefferson Gannaban, hepe ng PNP Peñablanca; nawalan ng kontrol si Edmar Baui, 31 sa kanyang traysikel habang binabagtas ang pabulusok na kalsada at sinalpok ang isang concrete barrier sa Barangay Patagueleg.? 

Sa lakas ng impact ay humiwalay ang motorsiklo sa sidecar nito habang tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada si Baui at mga pasaherong sina Jaylard Mabilog, 22, Michelle Mabini, 18, Jerald Dela Cruz, 22, Redence Visario, 25 at Jonel Visario, 27. 

?Itinakbo sa pagamutan ang mga biktima at tanging si Jonel Visario lamang ang hindi nakaabot ng buhay.? 

Samantala tigok si Guiller Sequelan nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo at tumbukin ng kasalubong na Toyota Fortuner na minamaneho ni Victor Menendez,  25 sa kabilang linya ng highway ng Barangay Nattazan, Iguig.?

Isinailalim ng pulisya sa kanilang kustodiya ang nasangkot na drayber ng SUV sa aksidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with